Pakikibaka, paghahanap, pagsilip sa mundong inaapakan ng
taong tulad mo: Que cielo la tierra (Gawing langit ang mundo)
Ni: Alejandro, Liza F.
Aminin ang katotohanan na ang mundong
ginagalawan ay pinalilibutan ng kaperahan at masasamang loob. Hindi na ito bago
sa mga taong patuloy na naghahanap ng kanilang magandang kinabukasan na
hinahadlangan ng mga taong may korona ang katungkulan. Mag-ingat na lamang sa
pagbabanta ng mundong walang kinakampihan, walang kinikilingan at walang
kaanib. Nasisilaw sa katungkulang kanilang natatamasa at hindi na kayang
linungin ang mamamayang nasa ibaba.
Gawing
langit ang mundo
By: Siakol
Hindi nila naririnig hinanaing sa barung-barong
Dahil palasyo nila’y may matibay na bubong
Hindi nila naririnig mga kumakalam na tyan
Hindi tulad nila ng mesa nilang parang laging may handaan
Ikaw ba? Naririnig mo ba sila ikaw ba?
Koro
Gawing langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo
Wala silang pakiramdam sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tao-tauhan
Ikaw ba? Nadarama mo ba ito ikaw ba?
Koro
Gawin langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo
Habang maaga pa kahit man lang
Sa kapakanan ng iba ng mga bata'ng maglalakihan makikinabang sa ating maiiwanan na pagmamahalan
Dahil palasyo nila’y may matibay na bubong
Hindi nila naririnig mga kumakalam na tyan
Hindi tulad nila ng mesa nilang parang laging may handaan
Ikaw ba? Naririnig mo ba sila ikaw ba?
Koro
Gawing langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo
Wala silang pakiramdam sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tao-tauhan
Ikaw ba? Nadarama mo ba ito ikaw ba?
Koro
Gawin langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo
Habang maaga pa kahit man lang
Sa kapakanan ng iba ng mga bata'ng maglalakihan makikinabang sa ating maiiwanan na pagmamahalan
Koro
Gawin langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo
Pagpapakila sa akda at may akda
Ang kantang “Gawing
langit ang mundo” ng Siakol ay sumasalamin sa masa na naghahanap ng pagbabago
sa lipunan kanilang ginagalawan. Gusto nilang maging ganap ang mga pangakong
inaasahan nila sa mga politikong nangako ng pagbabago sa kanilang
pangangampanya. Kaya marahil naisulat ito sapagkat nakikita ng mga may-akda ang
suliraning kinakaharap ng masang Pilipino na hanggang ngayon marami pa rin ang
naghihirap sa kabi-kabilang pangako ng mga politiko na sila’y handang tumulong
at babaguhin ang sistemang kanilang panunugkulan.
Ang bandang Siakol ay binubuo ng
apat na miyembro na nagpapakilala sa kanilang banda bilang malaya, masiyahin at
minsan ay may pagkabusabos. Nais ng bandang ito na magbahagi sa kanilang mga
taga-pakinig na tumatalakay sa mamamayan. Ang “Lakas-Tama” ay isa sa
pinaka-sikat nilang kanta.
Ayon sa pananaw nila Palomo at
Flores 1994 “Masyado ng magulo ang mundo. Ano na kaya ang maitutulong natin?”
Kaya nabuo ang kanilang pangkat
noong 1994 na kinabibilangan lamang ng
magkaibigang sina Noel Palomo at Wowie Flores.
Hindi naglaon ay nagkaroon na sila ng iba pang mga kasama at ginising
ang natutulog na kaisipan ng mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga kanta.
Ang bandang ito ay binubuo nila Manuel Rovera Palomo, Chris Laurence Flores,
Anthony Cervantes at James Rodriguez. Tinangkilik ng masa ang kanilang mga
hard-hitting na kanta na sinabayan at binigyang respeto ng mamamayan. Kaya
naman binigyan sila ng ilang taon na kontrata ng Alpha Recording Company.
Ang kanilang unang pagtatanghal ay
sa Paranaque na dinumog ng mamayang Pilipino sapagkat ang kanilang mga kanta ay
tumatalakay sa karanasan ng mga Pilipino. Nang gusto ng marinig ng sambayanang
Pilipino ang kanilang mga kanta ay binigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng
mga album Tayo na sa Paraiso, Hiwaga, Sa pag-ikot ng mundo, Karoling, Rekta,
Pantasya at Kabilang mundo.
Hindi ganoon kasikat ang mga kanta
ng Siakol ngunit kung ito’y bibigyang tuon ng maraming Pilipino may hiwaga
itong natatago na tanging ang masa lang ang makakakita.
Ayon pa sa tagasuri ang kanta ng
Siakol na “Gawing langit ang mundo” ay mayroong malaking maibabahagi sa
karanasan panlipunan na natatamasa ng bawat isa.
Ang paraisong hinahanap natin ay
nasa kantang ginamit ng tagasuri.
Maikling Pagpapakilala sa dulog/ teorya/ kalakarang
ilalapat
Kailangang
bigyan ng isang masining na pagpapakita ng katotohanan ang isang akda upang
maging epektibo ito at malaman ang kahulugan sa lipunan.
Ang akdang ito ay nasa
teoryang Realismo sapagkat ipinapakita ang karanasan ng nasaksihan ng may-akda
sa kaniyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat. Karaniwan nitong
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon,
katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa
lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa
teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
Pagpapatunay at Pagpapatibay
Sa
isang sinusuring akda ay kinakailangan ng matibay na pagpapatibay ng mga salita
upang maunawaan ang nais ipabatid sa mambabasa. Dahil ang pagbibigay ng
balidong pagpapatunay ay ang magpapaunawa ng katotohanan sa mambabasa.
Ang
kantang “Gawing Langit ng mundo” ng Siakol ay nagpapakita ng isang katangian ng
teoryang Realismo sapagkat ito ay may kaugnayan sa lipunan na kinasasakupan ng
mga manunulat. Sa pagsusuri na ito ang mga salitang ginamit ng manunulat ay
payak at mababaw na naglalarawan sa tunay na kalagayan ng mamamayang Pilipino. Mapapansin
din ang pauli-ulit ang salitang “Ikaw ba?” na nagtatanong sa mga tagapakinig
nito dahil sa paraan na ito umaasa ang bandang Siakol na madinig at makita ang
totoong Pilipino na dumadanas ng paghihirap sa tirik ng araw at bawat patak ng
lakas ng ulan. Ang lahat ng iyon ay isinasawalang bahala ng mga politiko at
hindi binibigyang pansin ang nais ng masa.
Dahil
ang kantang ito ay binibigyang tuon ang karanasan, nasaksikhan at binigyang
pansin ang katotohanan kaysa ang kagandahan. Tulad na lamang sa unang parte ng
kanta:
Hindi nila naririnig hinanaing sa barung-barong
Dahil palasyo nilay may matibay na bubong
Hindi nila naririnig mga kumakalam na tyan
Hindi tulad nila ng mesa nilang parang laging may handaan
Ikaw ba? Naririnig mo ba sila ikaw ba?
Dahil palasyo nilay may matibay na bubong
Hindi nila naririnig mga kumakalam na tyan
Hindi tulad nila ng mesa nilang parang laging may handaan
Ikaw ba? Naririnig mo ba sila ikaw ba?
Sa linya ng kantang ito makikita ang pagkamakabayan nito
at mayroong nais ipahiwatig sa mga may katungkulan sa palasyo ng Malakanyang.
Sa kasalukyang panahon marami ng masang Pilipino ang
naghihirap at kumakain lamang ng isang beses sa isang araw at kung sila’y
kakain pa ang kanilang kinakain ay pagpag (mga tira-tirang pagkain). May
pagkakataon din sa buhay ng mga masang pilipino na sila’y pinapalayas sa
kanilang mga barung-barong na kinasasama ng kanilang loob dahil wala manlang
pabahay ang mga gobyerno samantalang ang mga ito ay ubod ang laki ng mga
tirahan at hindi lamang isang bahay kundi humigit kumulang lima hanggang sampu
ang kanilang mga tirahan. Sa kantang ito nabanggit din ang kumakalam na tiyan.
Maraming mga Pilipino ang salat at walang gaanong hinahawakang pera kaya walang
maibili ng makakain ngunit sa sandamukal at milyones na itinatago ng mga
politiko wala manlang silang pakain sa mahihirap na ito.
Gawin langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo
Sa bahagi naman ng kantang ito ay inaasam ng mga
mang-aawit na magkaroon ng pagkakaisa ang sambayanang Pilipino na magtiwala sa
sariling kakayahan at maging isang bahagi ng mundo na parang nasa paraiso ang
kanilang mga isipan. Sa bahaging ito nais nilang iparinig sa taong bayan na sa
kabila ng kahirapan na kanilang nararanasan ay mayroon pa ring langit na
matatagpuan sa piling ng mga taong handang tumulong at taos pusong nagbibigay
ng kanilang atensyon sa mahihirap. Magkakaroon lamang ng isang mundo ang mga mamayang
Pilipino kung lahat ng tao ay marunong makinig sa ninanais na pagbabagong hinahanap
ng mamamayang Pilipino.
Sa bahagi naman ng kantang ito ay ipinapakita ang mga
kamalian na ginagawa ng pamahalaan. Ang mga nasa katungkulan na hindi
binibigyang tuon ang mga nararamdaman ng sambayanang Pilipino. Sa bahaging ito
ang mga politiko ay ginagawang tau-tauhan ang kanilang mga mamamayan at
inaabuso ang kanilang kakayahan. Nagkakaroon ng hindi pagkapantay-pantay na
pakikipagkapwa sa iba. Ang bahagi ng kantang ito ay ipinapaliwanag na ang mga
politiko ay walang nararamdaman na kahit ano sa mga sinasakupan niya basta
makalikom ng pera.
Wala silang pakiramdam sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tao-tauhan
Ikaw ba? Nadarama mo ba ito ikaw ba?
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tao-tauhan
Ikaw ba? Nadarama mo ba ito ikaw ba?
At sa huling bahagi ng kanta naman:
Habang maaga pa kahit man lang
Sa kapakanan ng iba ng mga bata'ng maglalakihan makikinabang sa ating maiiwanan na pagmamahalan.
Sa kapakanan ng iba ng mga bata'ng maglalakihan makikinabang sa ating maiiwanan na pagmamahalan.
Ang bahaging ng kantang ito ay ninais ang pagbabago sa
lipunan kahit manlang daw ang pagmamahalan ang maiwan. Nag-aalala ang sumulat
ng kantang ito na baka wala ng maiwan sa susunod na henerasyon ng masang
Pilipino. Baka magtuon sila ng galit sa pamahalan kung hindi maiiwan ang
gintong aral ng kanilang mga magulang.
Sa bawat linyang ng kantang ito ay nagpapatunay lamang na
ito’y nagaganap sa lipunan at isang repleksyon sa mga kaganapan na nangyayaring
sa panig ng masang Pilipino at mga politiko. Dahil ang kantang ito ay nakatuon
sa karanasang panlipunan tulad
korapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Hindi ay sumasalamin sa
pangakatuahan ng bawat batang nagugutom at mga taong nahihirapan at nagsasawa
ng pakinggan ang mga panagako ng mga mamamayan. Ang kanta na rin ito ay may
ibang epekto sa mga tagapakinig lalo na sa mga politiko na may anumalyang
gingawa at wala manalang maitulong sa kaniyang nasasakupan at ninanais ng kantang ito na magkaroon ng
magandang pagbabago.
Kaya ito ay isang teoryang Realismo sapagkat nakatuon sa
pulitika at mamamayan na may kaugnayan sa sosyalidad na dinaranas ng masang
Pilipino at ipinapakita lamang ang makapanghihikayat sa mga taga-pakinig.
Ang kantang ito ay salamin na ng buhay ng Pilipino sa bawat
hakbang ng kanilang mga paa sa pagbabagong nais nilang makamtan.
Pag-uugnay
(Intertekstuwal)
Sa bawat nangyayari sa ating lipunan ay mayroon itong mga
kaugnayan sa iba pang pangyayari ng buhay ng iba. Sinasabi nga na kaakibat na
ng ating lahi ang ating kasaysayan. Kaya naman ang kantang “Gawing langit ang
ang mundo” ay may kaugnayan sa akda ni Lualhati Bautista na Dekada ’70.
Ang dalawang manuskriptong ito ay
tumatalakay sa politika at masang Pilipino na naghahanap ng pagbabago sa
pamahalaang kanilang nararanasan. Sa nobelang ito na tinalakay ang pagkasangkot
ng anak sa isang samahan upang mahanap ang kalagayan ng totoong buhay.
Hinahanap din sa nobelang ito ang hustisya sa pagitan ng politika at masa sa
mga pagkakamaling ginagawa. Naghahanap ng buong pagkakatiwalaan sa
makasaysayang buhay ng bawat isa. Sa nobela rin na ito na naging kasukdulan ang
paghahanap ng kalayaan, ipinakita ang pamamahala ng Marcos at ang naganap na
martial law noong Setyembre 21, 1972. Sa mga naranas ng mga tauhan dito ay
tiyak na naghahanap sila ng isang paraiso sa bansang kinalalagyan nila. Bawat
mamamayan sa nobelang ito ay handang tumulong at makipaglaban para sa ikauunlad
ng bansa tulad sa kantang handang makibaka at makipag-isa sa lahat ng
nangyayari sa lipunan.
Ang Dekada ’70 ay sumasalamin sa
kantang “Gawing langit ang mundo”, sapagkat naghahanap ng kalayaan at
kapayapaan sa kabila ng mga putukan at pagdadakot sa mga mamamayang Pilipino.
Dahil sa nobelang ito ay nagbulag-bulagan ang pamahaalan sa mga hinain at mga
saloobin ng masang Pilipino. Hindi nila nauunawaan ang mga dinaranas na
paghihirap ng kanilang kalahi bagkus nagpapatuloy silang alipustahin ang kapwa nila
at tsaka nais paslangin.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay
naghahanap sila pareho ang magandang maidudulot
ng kanilang ginagawa.
Konklusyon
Ang wika nga ni Rizal “ walang alipin, walang mang-aalipin
kung walang nagpapaapi”.
Sa mundong ito walang taong
nakakaanggat lahat ay may pantay-pantay na karanasan at karapatan na
tinatamasa. Hindi magiging realidad ang mga bagay sa mundong ating ginagawalan
kung hindi ito patutunayan. Masyado ng maraming ginagawang kababalaghan ang mga
politiko sa bansang ito, sadyang repleksyon na nga ito ng buhay noon at ngayon.
Paulit-ulit ang karanasan. Paulit-ulit ang hinanain. Paulit-ulit ang nais
makamtan ngunit laging nahahadlang mga taong may katungkulan.
Sa pagsusring ito napatunayan lamang
na ang pakikibaka at hindi lamang nabubuhay sa pag-rarally kundi ito rin ay
buhay sa awitin. At mga awitin ay may nakatagong hiwaga na kailangan natin
makita.
Sa pagsusuring ito binigyang patunay
rin na isang teoryang Realismo ang “Gawing langit ng mundo” ng Siakol na
repleksyon ng bawat mamamayang Pilipino sa pakikipagsapalaran sa pang-araw-araw
na buhay.
Bigyang buhay ang mga Pilipinong
kanta dahil dito sumasalamin ang totoong buhay at kaganapan ng ating
pinag-ugatan.
Talasanggunian: